177
lagman1
Sep 25, 2018 @ 18:18
By

Pag-aresto kay Trillanes, iligal – Lagman

Hindi umano dapat agad na inaresto ng mga awtoridad si Senador Antonio Trillanes sa kabila ng inilabas na warrant of arrest ng Makati Regional Trial Court.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, iligal na hakbang ang pag-aresto sa senador.

Paliwanag ng kongresista, hindi pa dapat inaresto si Trillanes dahil mali ang paglalabas ng Makati RTC Branch 150 ng warrant of arrest.

Ang kaso anya ng senador ay ibinaba ng Korte Suprema sa lower court para isailalim ito sa preliminary investigation.

“It should go back to the Supreme Court and it (arrest warrant) should not be implemented until the Supreme Court makes a final decision,” ani Lagman..

Giit ni Lagman, dapat idaan ito sa tamang proseso sa halip na madaliing ikulong si Trillanes.

Hindi naman anya flight risk ang senador at hindi tumatakas sa anumang responsibilidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?