1,378
Pag-aresto kay Maria Ressa, ikinagulat ni Duterte
By

Pag-aresto kay Maria Ressa, ikinagulat ni Duterte

Hindi alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa ambush interview sa kanya matapos ang proclamation rally ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sinabi ng Presidente na nasa labas siya maghapon at ngayon lang nito nalaman ang pag-aresto kay Ressa.

“Hindi ko talaga alam yan. Sa labas po ako the whole day. Bakit siya naaresto?,” anang Pangulo.

Itinanggi rin ng Presidente na may kinalaman siya sa naging hakbang ng NBI dahil hindi aniya nito kilala ang taong nagsampa ng cyber libel kay Ressa.

“Susmaryosep. Far from it. Actually I do not really… kung babae pati bata. Di ko kilala yang si Keng frankly. I do not know him,” dagdag pa ng Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?