35

May 4, 2020 @ 14:59
By

Pag-aresto kay Jinggoy, walang bahid politika – Zamora

Nilinaw ni San Juan Mayor Francis Zamora na hindi politika ang dahilan kaya naimbitahan sa presinto si dating senador Jinggoy Estrada.

Anang alkalde, tungkol ito sa pagpapatupad ng batas sa enhanced community quarantine.

“The arrest of Mr. Jinggoy Estrada has nothing to do with politics in San Juan, but has everything to do with law and order, especially so now that we are collectively fighting this global pandemic,” giit ni Zamora.

Matatandaang pagkalabas ng presinto sinabi ni Estrada na politika ang dahilan ng pagdakip sa kanya habang namimigay ng isda sa mga residente ng Barangay Salapan.

Paliwanag ni Zamora, ilang araw na raw namimigay ng bangus si Estrada nang hindi maayos gaya ng paglalagay nito sa plastic o wrapper, na posibleng makadagdag sa pagkalat ng virus.

“I am saddened by the fact that the former senator is not respecting the rule of law. Being a former lawmaker himself, he is expected to be the first to abide by the laws of our country,” ani Zamora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?