98

By

Pag-arbor ng Bedans kay Sister Fox, tinabla ni Duterte

Sharing is caring!

Hindi pinagbigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng mga abogado ng San Beda na aregluhin ang isyu sa Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Sa kanyang talumpati sa Mulanay, Quezon sinabi ng Pangulo na walang balak ang gobyerno na irekonsidera ang mga apela para sa madre matapos bawiin ng Bureau of Immigration ang missionary visa nito.

Sinabi ng Pangulo na handa niyang tanggapin ang mga batikos sa kanya pero huwag lang mula sa isang dayuhan.

“Sabi nila mga taga-San Beda, aregluhin yung madre…sabi ko maraming madre diyan,” anang Pangulo.

Noong Lunes ay nakipagkita sa Presidente ang ilang abugado ng San Beda na kinuha ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para iapela ang kaso no sister Fox.

Ang Pangulo ay nagtapos ng abugasya sa San Beda, Manila noong 1972.

Matatandaang inamin ng Pangulo na pinaimbestigahan niya si Sister Fox dahil sa mga dinadaluhang political activities nito na labag sa batas.

Binasa pa at ipinakita ng Presidente sa mga bisita sa Quezon ang direktiba ni noon ay Justice Secretary Leila de Lima laban sa mga dayuhang sumasama sa mga kilos protesta sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?