68

Apr 29, 2020 @ 11:24
By

Pag-apruba sa sweeper flight kinatuwa ng DOT

Malugod na tinanggap ng Department of Tourism (DOT) ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 response (IATF) na aprubahan ang pagpopondo sa mga ikakasang sweeper flight para sa mga stranded na local tourist sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na gagawin nila ang lahat upang matulungang makauwi ang natitirang 2,267 domestic tourist sa bansa.

“This is a positive development that will complement our on-ongoing efforts in the Department to assist qualified stranded local tourists, which include the provision of one-time financial assistance,” sabi ng kalihim, Miyerkoles.

Kabilang sa mga turistang pwedeng tulungan ng DOT ang mga nakarehistro sa DOT Regional Office at may kumpirmadong return land, air, o sea ticket sa kanilang home province, city o municipality pero nakansela dulot ng pinatupad na community quarantine.

Maglulunsad anila sila ng mga sweeper flight mula Palawan, Cebu, Siargao, at Davao. Iaanunsiyo pa lang ng DOT ang mga petsa ng departure schedule ng mga sweeper flight.

Hinikayat din ng ahensiya na makipag-ugnayan ang mga stranded local tourist sa pinakamalapit na DOT Regional Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?