18

Dec 17, 2020 @ 12:50
By

Pag-apruba sa Moderna vaccine baka mas mabilis kaysa sa Pfizer

Posible umanong mabilis na makakuha ng emergency use authorization (EUA) mula sa United States Food and Drug Administration (US FDA) ang COVID-19 vaccine ng biotechnology company Moderna.

Napaulat na sinabi ng US FDA na asahan ang mabilis na pagbibigay ng EUA sa Moderna, baka mas matulin pa sa pagkakaroon ng EUA ng Pfizer noong nakaraang linggo.

Nakatakdang magpulong ang mga vaccine adviser ng US FDA, Huwebes, upang talakayin ang posibleng pangalawang bakuna na iaapruba ng Amerika.

Magkakatulad ang bakuna ng Moderna sa mga bakuna ng Pfizer at BioNTech. Pawang gumagamit sila ng bagong approach na kinasasangkutan ng genetic material na messenger RNA o mRNA.

Ang Pfizer at Moderna vaccine ay parehong may 95% efficacy sa pag-iwas sa sakit, parehong lumilitaw na napakaligtas, at parehong na-test na sa libu-libong volunteer sa US at sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?