167
ABANTE korte suprema supreme court oral argument martial law
By

Pag-apela sa mga Chief Justice candidate, matatapos na

Hanggang bukas na lang tatanggap ang Judicial and Bar Council (JBC) ng mga sinumpaang reklamo o oposisyon sa alinman sa limang aplikante para maging punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ayon kay JBC Ex-officio member at DOJ Secretary Menardo Guevarra, maaring ipadala sa mga email address na jbc@sc.judiciary.gov.ph o kaya naman ay sa jbc87supremecourt@gmail.com ang mga sinumpaang komento o oposisyon.

Maaari ding ipadala sa fax number na 02-552-9607.

Ang mga komento o oposisyon na matatanggap ng JBC ay ituturing na confidential at tatalakayin sa JBC en banc meeting sa Biyernes, November 16.

Bahagi ito ng paghikayat ng JBC sa publiko na lumahok sa pagpili ng iluloklok na susunod na chief justice ng Korte Suprema.

Kabilang sa mga aplikante sina Supreme Justices Antonio Carpio, Estela Perlas Bernabe ,Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, at Andres Reyes Junior.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, mayoong 90 araw ang Pangulo para magtalaga ng bagong punong mahistrado magmula nang ito ay mabakante noong October 10, 2018 kung kailan sumapit sa mandatory age of retirement si Dating Chief Justice Teresita Leonardo De Castro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?