24

By

Pag-angat ng popularidad ni Du30, bentahe sa ekonomiya

Sharing is caring!

Naniniwala si House appropriations committee chairman at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles na tatanggap ang Pilipinas ng mas marami pang economic deals matapos bansagan si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinaka-pinagkakatiwalaang presidente ng Pilipinas sa nakalipas na 20 taon.

Ang tinutukoy ni Nograles ay ang resulta ng September 2017 survey ng Pulse Asia kung saan nakakuha ng 80 percent trust and approval rating si Duterte.

Sabi ng kongresista, napapanahon ito lalo’t ginaganap sa bansa ang 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Base sa resulta ng third quarter survey, si Pang. Duterte ang most approved at trusted president kumpara sa mga nakalipas na pangulo ng bansa na kinabilangan nina dating Pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Benigno Aquino III.

Para sa mambabatas, ang mataas na trust at approval ratings ni Duterte ay dahil sa kampanya nito kontra iligal na droga at korapsyon na hindi pa nakita ng mga Pilipino sa nagdaang mga administrasyon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?