44

By

Pag-angat ng ekonomiya, hindi ramdam — solons

Sharing is caring!

Minaliit ng ilang kongresistang taga-oposisyon ang bahagyang pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong 3rd quarter ng 2017.

Mula sa 6.7% noong second quarter ay tumaas sa 6.9% ang ekonomiya mula Hulyo hanggang Setyembre.

Pero para kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, hangga’t hindi nararamdaman sa pamumuhay ng maliliit na tao ay balewala ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya.

Sabi pa ni Baguilat, posibleng ang bahagyang economic growth ay dulot lamang ng infrastructure projects.

Giit nito, malaki pa rin ang problema sa kahirapan, kawalan ng trabaho at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“The question is what kind of growth are we talking about? Poverty and unemployment figures are still high and getting worse. Inflation remains high as the peso continues to devalue,” ayon kay Baguilat.

“So unless government starts to fulfill its social reform promises (which it has not), then the reported economic growth is just a bunch of figures that has really no impact on the lives of the Filipinos,” dagdag ng kongresista.

Sinegundahan ito ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin na nagsabing ang pagtaas sa economic output ay hindi awtomatikong nangangahulugan ng positibong epekto sa kabuuan ng ekonomiya.

“While it will have a boost to the market, government has not addressed issues on inequality, unemployment, lack of livelihoods, and rising inflation that hits the poor most,” paliwanag ni Villarin.

Binigyang-diin din nito na ang economic growth ay isang indicator lamang ng ekonomiya at hindi tumutukoy sa kabuuan.

Ang anuman aniyang paglago na walang kasamang demokrasya at paggalang sa karapatang pantao ay hindi pangmatagalan at napipinto ring bumagsak kalaunan. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?