37

Oct 10, 2021 @ 20:47
By

Pag-andar ng Kaliwa Dam project sinisipat sa 2022

Tinitingnan ng bagong pinuno ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang posibilidad na masimulan ang paggawa ng Kaliwa Dam sa susunod na taon.

“Maybe it will happen early next year, but we have a promise that we will not start the project as long as the conditions are not met,” pahayag ni MWSS Administrator Leonor Cleofas sa ulat ng Bulletin.

Si Cleofas ay kauupo lamang sa MWSS ilang linggo ang nakakaraan.

“As the new MWSS administrator, I will continue [the implementation of] our water security legacy plan,” wika ni Cleofas. “As for the Kaliwa Dam project, we are making sure that we comply with the requirements of the IPs.”

Ilan pa umano sa mga kulang bago maisagawa ang pagbuo sa dam ay ang Free Prior and Informed Consent (FPIC) mula sa National Commission on Indigenous Peoples at ang Special Use Agreement in Protected Areas (SAPA) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang Kaliwa Dam ay nagkakahalaga ng P12 bilyon at ang nakikitang solusyon ng pamahalaan para sa karagdagang suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ito ay bubuuin ng China Energy Engineering Corporation (CEEC).

Habang ginagawa ang dam, ang mga apektadong residente ay makakatanggap ng P1 milyon kada taon, at magbibigay pa ng P80 milyon sa lokal na pamahalaan ng Rizal at Quezon kung saan itatayo ang dam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?