7

Jan 10, 2022 @ 13:52
By

Pag-amyenda sa Retail Law magpapabilis sa pagbangon ng ekonomiya – Drilon

Inihayag ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon na ang bagong lagdang Republic Act (RA) 11595, kung saan siya ang principal author, ay makakatulong para mapabilis ang pabangon ng ekonomiya sa gitna na pandemya.

“I laud its timely enactment. It is a game-changer law that the country needs today to speed up our economic recovery,” sabi ni Drilon sa isang statement.

“I am confident that our amendments to the Retail Trade Liberalization Act of 2000 will give the needed boost in our foreign direct investments. It will address a number of foreign investment roadblocks,” dagdag nito.

Sabi ni Drilon, ang mabilis na pagpasa sa nasabing batas ay magpapalakas sa bansa para makabalik sa pre-pandemic economic growth level. Aniya, ang ekonomiya ng Pilipinas ay isa sa pinakamahina sa Southeast Asia dahil sa pandemya.

Sa ilalim ng RA 11595, ibinbaba nito ang paid-up capital requirement sa retail trade sa P25 milyon mula sa dating limit na $2.5 milyon o P125 milyon.

Pinaluluwag din ng batas ang restriksyon sa foreign investments sa pamamagitan ng pagtanggal ng investment categories at paglalagay ng across-the-board minimum paid up capital investment na katumbas sa P25 milyon.

Paliwanag pa ni Drilon, ang threshold na ito ay dinisenyo para maprotektahan ang mga small at medium enterprise sa bansa.

“It will strike a balance between encouraging foreign investments and stimulating the development of the local retail sector,” ani Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?