945

Mar 23, 2019 @ 13:57
By

Pag-alis ng provincial bus terminals sa EDSA, tinawag na katangahan ng promdi commuter

Isang netizen na pinangalanan ang kanyang sarili na Promdi Commuter ang naglahad ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng open letter ang “malaking katangahan” umano na paglilipat sa mga bus terminal mula sa EDSA.

Ayon sa netizen, mas higit umanong magiginhawaan ang mayayaman sa ipinatupad ng Metro Manila Development Authority at lalong mahihirapan ang kagaya niyang mahirap.

Inisa-isa niya ang dahilan kung bakit, una umano ay pawang mga pribadong sasakyan at city operations ang marami sa EDSA at kung lilimitahan lang ito ay luluwag ang naturang kalsada.

Pangalawa, sa bawat isa umanong provincial bus na mawawala sa EDSA sigurado aniyang ilan sa mga pasahero nito ang makakaisip na bumili na lang ng sasakyan kaya dadami na naman ang sasakyan sa EDSA.

Ikatlo, mas hamak na disiplinado umano ang mga provincial bus kaysa city bus dahil pagpasok sa EDSA ay tatlo lang ang pwede nilang babaan, ang Balintawak, Paramount at Cubao Terminal.

Inihalimbawa din nito ang pag-testing sa yellow lane kaya siguradong nakita umano ng MMDA kung sino talaga ang nagdudulot ng trapiko at ‘yun ang city bus.

Isinuhestiyon din nito na bakit hindi na lang limitahan ang mga pribadong sasakyan sa pagdagdag ng araw na hindi nila pwedeng ibiyahe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?