16

By

Pag-alis ng mga Pinay na wala pa sa tamang edad, nakakabahala – BI

Sharing is caring!

Umaabot na sa 114 na mga babaeng wala pa sa edad na 21 ang pinigilan ng Bureau of Immigration (BI) na makaalis ng bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Immigration OIC Deputy Commissioner Marc Red Marinas, ang kanilang pagtala ay mula lamang noong buwan ng Hunyo.

Dahil dito, nababahala na umano ang kawanihan sa paulit-ulit na pagtatangka ng mga batang Pilipina na nais na magtrabaho sa ibang bansa gamit ang mga pekeng travel document.

Sinabi ni Marinas na lahat ng mga naharang na pasahero ay nagprisinta ng pasaporte na nagpapakitang sila ay mga nasa tamang edad, mayroong valid na overseas employment permit, working visa at job contract.

“It is evident that these young women were victimized by syndicates that specialize in the procurement of documents to make it appear that they are old enough to work abroad when in fact they are not,” saad ni Marinas.

Dahil dito, iniutos na ng BI sa mga immigration officer sa NAIA na higpitan ang pagsala sa mga bumibiyaheng Pilipino para matiyak na sila ay nagpiprisinta ng mga lehitimong dokumento.

Matatandaan na noong Hulyo, nailigtas ng Manila Police District (MPD) ang mahigit 40 kababaihan sa isang raid na Sta Cruz, Manila.

Ang mga nasagip ay biktima umano ng illegal recruitment mula sa Mindanao at sila ay inalok na magtrabaho bilang mga service worker sa Saudi Arabia

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?