78

By

Pag-akyat ng impeachment case sa SC, mauuwi sa ‘constitutional crisis’

Sharing is caring!

Posibleng humantong sa banggaan ng Korte Suprema at Kamara kung ia-akyat ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kataas-taasang hukuman ang usapin ng impeachment laban dito.

Giit ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, tanging ang Kongreso ang may poder sa impeachment proceedings.

“This is again courting constitutional crisis kasi sinasabi ng Saligang Batas na ang sole judge [ng] impeachment cases ay Senado at kami naman we have the sole power to initiate the impeachment proceeding so ang ibig sabihin lang non being the sole judge, yung keyword dito sole ay walang ibang pwedeng mangialam samin diyan,” diin ni Umali.

“So I hope Supreme Court and the judiciary will listen to reason. When we talk of jurisdiction and handling impeachment cases, that is the sole jurisdiction of Congress as representatives of the people. Kasi pinanagot siya dito ng taong bayan and ‘yun na nga kami sa Kongreso ang binigyang kapangyarihan ng Saligang Batas para [gampanan] ang ganyang role,” dagdag ng kongresista.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Sereno na wala pa itong planong kuwestyunin sa korte ang impeachment proceedings.

Pero ayon kay Atty. Carlo Cruz, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, maaaring maging opsyon ng legal team ng punong mahistrado ang judicial intervention.

Gayunman, hihintayin muna daw nila ang magiging desisyon ng House justice committee sa mosyon para ma-cross examine ng mga abogado ang mga testigo sa impeachment proceeding. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?