86

By

Pag-access sa mga impormasyon sa National ID hihigpitan – DOJ

Sharing is caring!

Hindi maaring ma-access ng sinuman ang impormasyon na nakapaloob sa national ID system, maliban na lamang kung may pahintulot ng may-ari.

Ito ang nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra kaugnay ng bagong batas na Philippine System Identification Act o PhilSys Act.

“Under this new law, registered information can only be accessed by third parties if the registered person gives his/her consent, or if there is a court order,” saad ni Guevarra.

Sa ilalim ng batas, ang lahat ng mga mamamayan at dayuhang residente ay iisyuhan ng official identification card o national ID.

“Identity theft will be prevented, making it harder to commit crimes and acts of terrorism. Law offenders can be identified and located more easily, ” dagdag ni Guevarra.

Lalamanin ng national ID ang Philippine Identification System Number, pangalan, kasarian, blood type, petsa ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, marital status, address at litrato ng taong may hawak nito.

Makatutulong umano ang national ID sa mas mahusay na pakikipagtransaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, magkakaroon ng pilot launch ang proyekto para sa taong ito at uusad ang malawakang pag-iisyu ng national ID simula sa 2019 kung saan target na maisyuhan ng ID ang 25 million Pilipino kada taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?