10

Nov 25, 2021 @ 16:53
By

Pag-abuso sa kababaihan, lumala sa pandemya – UN

Lumabas sa ulat ng United Nations (UN) na mas naging laganap ang pag-abuso sa kababaihan sa kalagitnaan ng COVID pandemic.

Sa UN report na pinamagatang “Measuring the shadow pandemic: Violence against women during COVID-19,” inaral ng UN ang datos na nakalap sa survey mula sa 13 bansa.

Dito nila nadiskubre na 25% ng mga kababaihan ay nakaramdam na hindi sila ganoon ka-ligtas sa kanilang tahanan dahil sa mga pag-aaway away mula nang pumutok ang pandemya.

Nalaman din ng UN na 21% ng mga kababaihan ay nakakaranas ng pisikal na pang-aabuso.

Bukod dito, naitala rin na 21% ang nagsabing mismong mga kapamilya nila ang nagaabuso sa kanila, at 19% ang nagsabing kapwa babae ang nananakit.

Isiniwalat din ng UN report na 40% ng respondent ang nagsabing ramdam nila na hindi na sila ligtas kapag lumabas ng bahay sa gitna ng gabi, habang tatlo sa bawat limang babae ang naniniwalang lumala ang sexual harassment sa mga pampublikong lugar buhat ng pumutok ang pandemya.

Ngayong Nobyembre 25 ay ginugunita ang International Day for the Elimination of Violence Against Women. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?