24

Jun 26, 2020 @ 15:51
By

Pag-absuwelto sa 2 ex-PMA execs sa Dormitorio hazing death, pinarerepaso

Pinarerepaso ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Department of Justice ang pagdismis ng Baguio City Prosecutor’s Office sa kasong kriminal laban sa dalawang dating opisyal Philippine Military Academy (PMA) na sangkot sa hazing death ni cadet Darwin Dormitorio noong nakaraang taon.

“Justice Secretary Menardo Guevarra should review and if possible reverse the findings of his Baguio prosecutors. The Anti-Hazing Law clearly holds responsible those who could have prevented hazing activities but have not done so,” ayon kay Rodriquez.

Paniwala ng kongresista, hindi matitigil ang hazing sa bansa kung patuloy na nakakalaya ang mga sangkot kahit na malinaw ang partisipasyon sa kaso.

Partikular na tinukoy ni Rodriquez si ex-PMA superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista at dating commandant of the cadet corps Brig. Gen. Vicente Bacarro na pawang pinawalang sala ng prosecutor daihl sa kawalan umano ng probable cause.

Pawang nagbitiw ang dalawa matapos ang pagkasawi ni Dormitorio.
Sa imbestigasyon ng NBI ay lumitaw na hindi kumilos ang ‘top PMA officials’ para pigilan ang pagmaltrato kay Dormitorio sa kabila ng reklamang nakarating sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?