By

Pag-absuwelto ng DOJ kina Espinosa, Lim dagok sa drug war – senators

Sharing is caring!

Umalma ang mga senador sa pagbasura ng isang prosecution panel ng Department of Justice (DOJ) sa mga reklamo laban sa diumano’y drug lords na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, latay ito sa kredibilidad ng giyera kontra droga ng Duterte administration.

Ipinunto na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na drug lord at ‘malaking isda’ si Lim habang umamin naman si Espinosa sa pagdinig ng Senado na ito ay drug dealer.

Gusto naman ni Senate majority leader Tito Sotto na imbestigahan ng Senado ang pagbasura ng DOJ sa ganitong mga kaso para masipat kung binalewala ng mga abogado ng gobyerno ang mga batas at upang mapalakas din upang maiwasan ang ganitong sitwasyon.

Hindi rin tanggap ni Senador Ping Lacson ang pagbasura ng kaso laban kay Espinosa dahil nakita aniya ang probable cause laban dito nu’ng harapan ito ng mga ebidensiya at testimonya sa Senado at umamin pa sa illegal drug dealings nito.

Umaasa naman si Lacson na mababago pa ang pasya ng DOJ dahil dadaan pa ito sa pagrepaso ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?