27

By

Pag-absuwelto kay Bong, ‘best Christmas gift’ – Strike Revilla

Sharing is caring!

Itinuturing ni Cavite Rep. Strike Revilla na pinakamagandang regalo ngayong Pasko sa kanilang pamilya ang pagpapawalang-sala ng Sandiganbayan kay dating Senador Bong Revilla sa kasong plunder.

Ayon sa kapatid ng dating senador, masaya sila na lumabas na rin ang katotohanan ukol sa kontrobersyal na isyu.

Malaking ginhawa rin aniya para sa kanilang pamilya at sa buong Cavite ang acquittal kay Revilla lalo’t apat na taon umano itong pinagkaitan ng hustisya at ikinulong sa PNP Custodial Center.

Naniniwala naman si Cong. Revilla na naging patas ang anti-graft court sa naging hatol sa kanyang kapatid.

Pero para kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, tila nawawalan na ng direksyon ang justice system sa Pilipinas.

Naniniwala naman ni Gabriela Rep. Emmi De Jesus na sa pagka-absuwelto rin mauuwi ang kaso nina dating Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile kung saan ang malalaking politiko ay naaabsuwelto habang ang nadidiin ay mga kasabwat na tauhan lamang nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?