43

Jun 28, 2021 @ 17:20
By

Pag-aarmas sa sibilyan lilikha ng private army – Akbayan

Nagbabala ang Akbayan na ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga sibilyan laban sa krimen ay katumbas ng paglikha ng malawakang private army.

“Lahat na lang gustong armasan ni Mr. Duterte, mula bumbero hanggang mga ordinaryong mamamayan. As if giving everyone guns will solve anything. It will not suppress crime. It will only create a massive private army that could provoke more violence and extrajudicial killings,” paliwanag ni Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales nitong Lunes.

Pinag-iingat din niya ang Philippine National Police sa pagsuporta sa mungkahi ng Pangulo.

Napaulat na suportado ng kapulisan ang proposal na pag-aarmas sa mga civilian group partikular na ang volunteer civilian group ng PNP upang makatulong sa paglaban sa krimen at pang-aabuso ng New People’s Army.

Pero ani Rosales, isa itong pag-amin ng PNP na bigo itong gawin ang kanilang trabaho.

“You don’t put a stop to NPA crimes by creating your own NPA,” sambit pa niya.

Sa halip ay nanawagan si Rosales ng malawakang reporma sa PNP at mas mahigpit na gun control regulations upang mapigilan ang krimen at karahasan sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?