30

By

Pag-aarmas sa brgy. officials, ROTC students hindi basta-basta – Lacson

Sharing is caring!

Hindi madaling matupad ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na pahawakin ng baril ang mga opisyal ng barangay pati na ang mga estudyante ng Reserved Officers Training Corps (ROTC).

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, marami itong batas at proseso na kailangang pagdaanan.

“Not as simple as what the President wants. There are laws and procedures to be observed,” ani Lacson.

Inihalimbawa ani Lacson, kung gobyerno ang bibili ng baril, kailangan itong ipaloob sa batas ukol sa pambansang badyet, ang General Appropriations Bill na hinihimay at pinagdedebatehan ng Senado at Kamara.

Kung dudukot sa sariling bulsa ang mga kapitan at kagawad ng barangay, kukuha pa sila ng lisensiya at ng permit to carry firearms outside of residence.

Kaakibat nito, kailangan pa nilang sumailalim at pumasa sa neuro pyschiatric tests, sa gun safety seminar at iba pang pagsusulit.

May mga susundin pa ring regulasyon ng Philippine National Police (PNP).

Wala umano iyong dapat ipagkaiba sa mga regulasyon at patakaran na pinagdadaanan ng lahat ng mga sibilyan at mga taga-gobyerno, inihalal man o hindi.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang paisyuhan ng shotgun ang mga barangay official at calibre 22 o beretta para sa mga barangay tanod.

Gusto rin niyang armasan ang mga retiradong military at police officials.

Ito ay para magkaroon umano ang mga nabanggit ng kakayanan na lumaban sa mga kriminal. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?