Pag-aarmas sa barangay officials, suportado ng PNP

Sharing is caring!

Pabor ang Philippine National Police(PNP) sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan nang armas ang mga opisyal ng barangay at mga tanod para makatulong sa pagsugpo ng krimen sa bansa.

Ngunit Sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na nasa hurisdiksyon ng Department of Interior and local Government (DILG) ang pagrerekomenda nito para magkaroon ng proper documentation.

Paliwanag ni Albayalde, kapag pumayag ang DILG at tuluyang maisabatas ang pagaarmas sa mga barangay officials at barangay tanod, hindi umano magiging problema sa PNP na sanayin ang mga ito sa paghawak ng baril.

Aniya, napakadelikado kasi kung walang gagawing pagsasanay para rito.

“Yes we stand, we support on the stand of the president to arm the barangay officials no, but I think it will be the DILG will be deciding on that also. That will be part, malaki ang probably yung recommendation coming from the DILG, if ever magdecide ang DILG on that we will support that of course and I’m sure there will be proper documentation on that or probably they can get their personal firearms” sinabi ni General Albayalde.

Sa kasalukuyan, habang hindi pa naisasakatuparan ang plano, hinikayat naman ni Albayalde ang mga barangay officials na gustong magkaroon ng armas, na kumuha ng permit to carry firearms outside residence (PTCFOR).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?