18
guns
By

Pag-aarmas sa barangay officials, mapanganib – Erice, Villarin

Sharing is caring!

Hindi kumbinsido ang ilang taga-oposisyon sa Kamara na solusyon sa laganap na krimen ang pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay.

Sabi ni Caloocan Rep. Edgar Erice, mapanganib ang gustong mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Erice, ang pag-aarmas sa 40,000 punong barangay ay mangangahulugan ng paglikha ng private army ng mga politiko sa bawat munisipalidad, lungsod at lalawigan.

“Arming barangay captains of the 40,000 barangays simply means creating a private army of political kingpins in cities, provinces and municipalities. It’s a wild wild west scenario,” ani Erice.

Ayon naman kay Akbayan partylist Rep. Tom Villarin, malaking gulo ito kapag nagkataon dahil siguradong aabuso sa kapangyarihan ang ilang opisyal ng barangay.

Sa halip aniya na maging tagapamayapa, baka sila pa ang maging pasimuno ng karahasan sa kanilang lugar.

“Instead of being peaceful mediators, conciliators or arbitrators, you will turn them into armed enforcers or worst armed goons of politicians,” sabi ni Villarin.

Pinalutang ni Pangulong Duterte ang posibleng pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay, na sinuportahan naman ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?