8

Jul 19, 2021 @ 20:05

Padyak kontra karahasan sa kabataan niratsada

Nagsagawa ng isang bike ride ang grupong Child Rights Network sa Quezon City nitong Linggo bilang paraan ng panawagang protektahan ang karapatan ng mga bata sa bansa.

Pinangalanang “Padyak to #EndVAC: A Bike Ride to End Violence Against Children” ang naturang protesta na nagsimula sa Timog Avenue at nagtapos sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Diliman.

Ang Child Rights Network ay naglalayong maitulak ang karapatan ng mga bata sa mga batas na hinahain sa Kamara.

Sila rin daw ang pinakamalaking alyansa ng mga organisasyon at ahensya sa bansa na nagtutulak na protektahan ang mga kabataan.

Ayon sa grupo, layunin ng bike ride na mahimok ang mga mambabatas na gumawa ng mga panukalang nagpoprotekta sa karapatan ng mga bata sa gitna ng pandemya, partikular na sa online sexual abuse at child marriage. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?