30

Apr 16, 2020 @ 20:18
By

Padilla: Sayang ang target kung walang disiplina

Muling nanawagan si National Task Force COVID-19 spokesperson Restituto Padilla sa mga local government unit (LGU) na suportahan ang ginagawa ngayong hakbang ng pamahalaan upang mas mapabilis at masolusyunan agad ang pandemic COVID-19 sa bansa.

“Kami po ay nananawagan sa aming mga LGU na suportahan ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapuksa ang COVID-19,” pakiusap ni Padilla.

Kasabay nito ay hiniling ni Padilla na huwag nang sumuway pa sa mga isinasagawang hakbang ng mga alkalde upang ‘di masayang ang patuloy na pagsasakripisyo ng ilan upang tuluyan nang mabura ang paglobo ng kaso.

“Masasayang po ang ating pagsisikap kung wala po tayong disiplina sa ating mga sarili. Sumunod po tayo, manatili sa bahay.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?