745

Mar 3, 2020 @ 19:41
By

Pader sa Ayala tunnel muntik bumagsak

Pinaiiwas ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic operations chief Bong Nebrija ang mga motorista sa isang parte ng Ayala tunnel northbound.

Ayon sa Facebook post ni Nebrija, Martes ng madaling-araw (March 3), nang kanilang mapansin ang parte ng Ayala tunnel na posibleng mahulog ang pader.

“Please avoid this part of Ayala Tunnel Northbound. Baka bigla na lang mahulog ang pader,” ayon kay Nebrija.

“We have already dispatched our Road Emergency Group to inspect.”

Bandang alas-7 ng umaga ay naaksyunan na ang pader na nilagyan ng tali para mapigilan ang pagbagsak.

Samantala, nai-refer na ito sa Department of Public Works and Highway para tuluyang masaayos ang nasabing pader.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?