9
dragonboat
By

Paddlers ni Escollante sasagwan sa Taiwan

Sharing is caring!

Isa si Leonora ‘Len’ Escollante na nasubaybayan ng Abante at maging ng kapatid nitong Abante TONITE nang huling maka-gold medal ang bansa sa 17th Southeast Asian Games women’s indoor volleyball noong 1993 sa Singapore.

Isa si Escollante sa mga pinili ni foreign coach Stanislav Lugailo ng Russia, ang tinapik naman noon ni Philippine Amateur Volleyball Association secretary general Ramon Suzara na humawak ng mataas na kalibreng programa na nagsimula noong 1990.

Ilan pa sa sumikat na kasabayang balibolista ni Escollante sa national team sina Zenaida Chavez, Rosemarie Prochina, Thelma Barina-Rojas at iba pa bilang astig na volleybelles ng bansa at ng Timog-Silangang Asya, hinakbangan ang Thailand sa gold-medal match sa city state.

Mula sa volleyball, lumundag si Escollante sa ibang sports.

Sikat pa rin siya bilang batikang coach ngayon ng Philippine Canoe-Kayak-Dragon Boat Federation na kilala hindi lang sa SEA kundi maging sa Asia at sa iba’t ibang pang panig ng daigdig.

Umalis noong Biyernes, Mayo 4 ang 30-player (16-men, 14-women) PHL dragon boat team pa-Taiwan upang sumagwan sa 2018 Bitan International Dragon Boat Open Competition sa May 5-7, test event para sa national men’s squad at qualifying event sa women’s team sa 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.

Nito lang Enero 11-14, ginabayan ni Escollante ang bansa na binubuo nina paddlers Glaiza Liwag, Chiva Angela Abanilla, Raquel Almencion, Apple Jane Abitona, Jonathan Ruz, Jericho Noay, John James Pelagio, Lee Robin Santos, John Paul Selencio, at Mark Jhon Frias sa pagsagwa ng dalawang bronze medal sa 1st World Ice Dragon Boat Championships sa Duolon, Inner Mongolia, China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?