149
Padda sinipa bilang coach ng Adamson
Mar 1, 2019 @ 18:57
By

Padda sinipa bilang coach ng Adamson

Tanggal na bilang head coach ng Adamson women’s volleyball team si Air Padda.

Isa sa mga dahilan sa pagkaligwak ni Padda ay dahil sa tatlong sunod na talo ng Lady Falcons ngayong season ng UAAP.

Huling natalo ang Lady Falcons noong Miyerkoles kontra UE Lady Warriors at hindi na ito nainterbyu ng media.

Unang sumabak si Padda noong Season 79 kung saan nagtapos ito sa standing na 1-13 win-loss record.

Hindi rin pinalad makapasok ang Lady Falcons sa Final Four noong Season 80 at nagtapos sa ikalimang pwesto na may 6-8 win-loss record.

Papalitan ni Onyok Getigan ang posisyon bilang head coach ng koponan kung saan naging assistant coach ito ni Padda ng dalawang taon.

Samantala, hindi naman aalis si Padda dahil magsisilbi na lamang ito bilang conditioning coach para sa Lady Falcons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?