111

By

Padalang pera ng OFWs, tumaas nitong Oktubre – BSP

Higit sa $2.7 bilyon ang pera na ipinadala ng mga OFW noong buwan ng Oktubre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ito ng 8.7 porsiyento kumpara sa katulad na buwan noong nakaraang taon.

Ang pera ay ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko at ito ang pangalawa sa pinakamalaking cash remittance ng OFWs ngayong taon.

Paliwanag ng BSP, kadalasan lumalaki ang cash remittances sa tuwing malapit na ang enrollment sa mga eskuwelahan at para sa gastusin sa Kapaskuhan.

Ibinahagi ng BSP na tumaas ang cash remittances mula sa US, Canada at Taiwan.

Bukod sa tatlong bansa, mataas din ang padalang pera ng OFWs sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Germany at Hong Kong.

Simula noong Enero hanggang Oktubre, $26.5 billion na ang cash remittances ng OFWs at mas mataas ito ng 3.1 porsiyento kumpara noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?