Nakapagtala ng 6.4 porsiyentong pagtaas sa personal remittances ng mga overseas Filipino worker (OFWs) nitong Marso.
Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng $2.796 billion ang kabuuang transfers sent in cash o in-kind via informal channels ng remittances.
Mas mataas ito kumpara sa $2.627 billion noong Marso 2018 at $2.557 billion noong Pebrero ng 2019.
“The continued growth in personal remittances during the first three
months of 2019 was driven by steady remittance inflows from land-based OF workers with work contracts of one year or more, which aggregated to $6.2 billion,” pahayag ng BSP.
Ang Amerika ang nakapagtala ng “highest share” sa kabuuang remittances ng mga OFW sa 35.1%.
Sinundan ito ng Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, UK, Japan, Canada, Qatar, Hong Kong at Kuwait.