51

Dec 16, 2017 @ 17:32
By

Padala ng OFWs tumaas — BSP

Inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na matapos ang pagiging malamya noong Setyembre, sumigla na naman ang remittances mula sa overseas Filipino workers (OFWs) ng sumunod na buwan.

Sinabi pa ni BSP Gov. Nestor Espenilla Jr., na ang remittances noong Oktubre ay umabot sa $2.55 billion na pagpapakita ng 9.7 porsiyento na paglago.

Aniya ito na ang pinakamataas na paglago makalipas ang pitong buwan dahil noong Marso ang naitala ay 11.8 porsiyento lamang.

Dagdag pa nito, sa nagdaang 10 buwan ng taon, ang personal remittances kasama na ang ibang uri ng ‘padala’ ay tumaas ng 5.2 porsiyento sa $25.72 billion kumpara sa naitala sa katulad na panahon noong 2016 na $24.43 billion.

Ayon pa kay Espenilla, ang pangunahing pinagmulan ng remittances ay sa United Arab Emirates at US, kung saan nagtatrabaho ang milyon-milyong Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?