37

Pacquiao vs McGregor, pinag-uusapan na

Sharing is caring!

Inamin ni Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao na nagkakaroon na ng pag-uusap hinggil sa paglalaban nila sa boxing ring ni mixed martial arts star Conor McGregor sa Abril kung saan naka-break siya mula sa trabaho bilang mambabatas.

Aniya, wala umanong problema sa pagitan nila ni McGregor kung magkakasundo sila sa negosasyon.

Si McGregor ay natalo sa bakbakan nila ni unbeaten Floyd Mayweather Jr. noong Agosto na tinaguri bilang “The Biggest Fight in Combat Sports History”, ayon sa AFP.

Dinagdag pa ni Pacman na narinig umano niya na gusto ni McGregor na magkaharap sila matapos sumabak sa larangan ng boksing ang huli.

Kamakailan lang ay nasikwat ni Australian Jeff Horn noong Hulyo ang World Boxing Organization (WBO) welterweight title ni Pacquiao, na magti-39 anyos na nitong buwan.

Habang si McGregor ay hindi pa lumaban sa martial arts, maging sa boksing mula nang matalo sa 10th round TKO kay Mayweather sa Las Vegas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?