62
pacquio-bong-go

Pacquiao vs. Bong Go sa PBA All-Star 3-point shootout

Sharing is caring!

Maghaharap sa isang espesyal na 3-point shootout sina Senador Manny Pacquiao at Special Assistant to the President Bong Go sa papalaot na 2018 PBA All-Star Week.

Makakasama ng dalawa si presidential son-in-law at lawyer Mans Carpio sa 3-point shootout na gaganapin sa Digos, Davao del Sur sa Mayo 23.

Kabilang din sa event sina PBA legends Allan Caidic, Kenneth Duremdes at Peter June Simon.

Magbubukas ang PBA All-Star Week sa Digos sa Mayo 23 bago tumungo sa Batangas City sa Mayo 25 at Mayo 27 sa Iloilo City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?