377

By

Pacquiao vs Arum para sa ‘di nabayarang broadcasting fees

Sharing is caring!

Naghahanda na ang kampo ni Manny Pacquiao para sa isa na namang laban, hindi sa loob ng kwadradong lona, kundi sa Korte.

At ang katunggali, ang dating kasangga at promoter na si Top Rank founder Bob Arum.

Sa isang press statement na inilabas ng ‘Pambansang Kamao’, kakasuhan umano ang Top Rank dahil sa hindi pagbibigay ng share sa naging salpukan kontra kay Lucas Matthysse noong Hulyo 15, 2018.

May hawak ang nasabing promotion sa broadcasting rights ng nasabing laban, sinaad sa kontrata na ang 85 porsyento ay marapat na mapunta sa MP Promotions ni Pacquiao, ang natitirang 15 ay para naman sa Top Rank.

Naghahanda na umano sina Pacman ng nga dokumento para sa ‘di nakuhang television fees.

Nagpadala na rin umano ng pormal na sulat ang abugado ng MP Promotions sa Top Rank ngunit hindi pa sumasagot ang huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?