107

Jan 2, 2020 @ 19:37
By

Pacquiao unang boksingerong kampeon sa 4 na dekada

Naging unang boksingero sa buong mundo na nagkampeon sa apat na dekada si Manny ‘The Pacman’ Pacquiao.

Pagtungtong ng Enero 1, 2020 ay kampeon pa rin si Pacquiao mula nang maagaw ang WBA ‘super’ welterweight belt mula kay Keith ‘One Time’ Thurman nitong nagdaang 2019.

Taong 1995 nang magsimula bilang pro si Pacquiao at makuha ang kanyang unang world title noong 1998 bilang WBC world flyweight champion.

Noong 2001, nakuha naman ni Pacquiao ang IBF super bantamweight title at nagwagi pa ng ilang kampeonato sa iba’t ibang weight division sa sumunod na taon.

Nasungkit naman ni Pacquiao taong 2010 ang kanyang historic eighth world championship nang masungkit ang WBC super welterweight champion.

Papasok naman sa 2020, tangan parin ni Pacquiao ang WBA welterweight title matapos mapataob si Keith Thurman noong 2019.

Ngayong taon, tila hindi pa rin magpapahuli ang 41-year-old boxing champion kung saan inaasahan na muling lalaban sa boxing ring. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?