262

By ,

Pacquiao ‘umurong ang buntot’ kay Arum

Sharing is caring!

Biglang kambyo si eight-division world champion Manny Pacquiao matapos magbabalang kakasuhan ang dating promoter na si Bob Arum ng Top Rank Promotions dahil umano sa hindi pa naibibigay sa kanya ang share niya sa US TV Rights sa laban nila ni Lucas Matthysse niton Hulyo sa Kuala Lumpur.

“I have not received the US rights payment for my July 15 fight against Lucas Matthysse that was broadcasted on ESPN plus. Therefore, I am initiating legal proceedings against Top Rank and all other parties based on the non-payment and attempt to restrict my future rights,” unang pahayag ni Pacman.

Kahapon, tila lumambot na ang WBA welterweight champion at sinabing ang pahayag niya kamakalawa ay bunga ng hindi pagkakaintindihan.

“My post from the other day was a result of miscommunication between my Team and Top Rank. Everything has been clarified,” paglilinaw na ngayon ni Pacquiao.

Nagpasalamat din ito kay Arum sa pagtulong nito sa kanyang karera bilang boksingero at sa ilang taon nilang pagsasama.

“I would like to thank Bob and Top Rank for helping guide my career and for the many great years of working together. We have accomplished so many amazing things together,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?