63

By ,

Pacquiao umiskor ng 20 sa panalo ng Supremos

Balik sa dating porma ang Caloocan Supremos sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup nang tambakan ang Pasay Voyagers 85-63 Huwebes ng gabi sa Caloocan Sports Complex.

Hindi hinayaan na Supremos na mapahiya sa sariling balwarte kaya agad na umalagwa ito sa pangunguna ni Rene Pacquiao.

Si Pacquiao, pamangkin ng Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquaio, ay nagpakilala sa lahat nang pumoste ito ng 20 puntos at pitong rebounds.

Ito ang isa pinakamagandang performance na pinakita ni Pacquiao sa liga na binuo ng kanyang tiyuhin.

Sa tulong din ng kanyang walong shots mula sa field ay tuluyan ng nakontrol ng Supremos ang laro at dinomina na nang husto ang Voyagers.

Rumehistro ang Supremos nf 48-percent field goals (33-of-67) habang ang Voyagers naman ay tumal lamang ang 38 percent (24-of-64).

Lumamang din ng halos 27 puntos ang Caloocan sa huling canto ng laro, 64-41 at tinuloy-tuloy ang pag-ariba mula simula hanggang katapusan para masungkit nito ang ikapito nitong panalo sa 20 laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?