126

By

Pacquiao torch bearer sa SEA Games opening

Magsisilbing isa sa dalawang torch bearer na magsisindi ng SEA Games cauldron sa opening ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 si WBA 147-pound kingpin Senator Manny Pacquiao.

Nauna nang maatasang magsindi ang world gymnastics champion na si Carlos Yulo ngunit pinalitan ito ng Pambasang Kamao dahil kinakailangang maghanda ni Caloy sa kinabukasang kumpetisyon.

Samantala, libo-libo ang nakiisa sa isang torch run na isinagawa sa Cebu City dalawang linggo bago ang biennial meet.

Kabilang sa listahan ng torch bearers sina Presidential Assistant for the Visayas Mike Dino, Cebu City Mayor Edgar Labella, Phisgoc Chief Operating Officer Ramon ‘Tats’ Suzura at iba pang lokal na opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?