289

Sep 19, 2021 @ 17:28
By

Pacquiao tinanggap hamon ng pagkapangulo

May laban ulit si Senador Manny Pacquiao sa 2022 – hindi sa boxing ring kundi sa mundo ng politika.

Tinanggap na ni Pacquiao ang nominasyon ng PDP-Laban faction na kanyang pinamumunuan bilang presidential candidate sa 2022 elections.

Naganap ang nominasyon sa national assembly ng partido ngayong Linggo.

“Sa mga kasama namin sa panibagong laban at sa lahat ng mga kababayan sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas, maraming salamat po,” wika ni Pacquiao.

“Ang pagpapasalamat ko ay hindi enough. Hindi sapat na sabihin lamang,” dugtong pa niya.

“I am a fighter and I will always be a fighter inside and outside the ring.”

Si Pacquiao ay pangalawang nagdeklara ng pagtakbo bilang pangulo sa 2022, kasunod ni Senador Ping Lacson. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?