122

Feb 23, 2021 @ 15:57
By

Pacquiao tatakbong presidente kung ‘papayagan’ ng Panginoon

Inihayag ni Senador Manny Pacquiao na naka depende sa plano ng Diyos ang pagtakbo niya bilang pangulo ng bansa sa susunod na taon.

“Iyang pagiging Presidente po ay destined po iyan, ipagkakaloob ng Panginoon. Maraming nagsubok pero maraming nabigo,” ani Pacquiao sa The Mangahas Interviews.

“Kung papayagan ng Panginoon ‘yan,” dagdag pa niya.

Aniya, hindi naman niya pinangarap noon ang maging senador ngunit ito ang pagkatawag sa kanya ng Panginoon.

“Ako naman ay nandito bilang senador, ginagampanan trabaho ko. Kaya siguro ako nandito dahil ‘di ko naman ito pinangarap mula noon. Nandito ako for a purpose and that purpose ay to be an inspiration to the Filipino people na maging isang halimbawa, ‘di lamang sa larangan ng boxing kundi sa larangan ng public service,” wika ng Senador.

Taong 2016 nang manalo bilang senador ang boksingero matapos makakuha ng mahigit 16 milyon boto mula sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?