44

Pacquiao, target ang Malaysia sa susunod na laban

Posibleng lumipad pa-Kuala Lumpur, Malaysia si Pambansang Kamao Manny Pacquiao kung magbabalik-telon siya ngayong summer.

Ayon sa ulat, minamataan ng 39-anyos na si Pacquiao na lumaban sa Malaysia sa Abril 29 o Mayo 5, kung saan nakatakda pa lang ianunsiyo ng kanyang kampo ang pangalan ng makakalaban nito.

Ibig sabihin nito, hindi sang-ayon si Pacquiao na maging undercard lang sa Jeff Horn-Terrence Crawford World Boxing Organization welterweight title fight sa Abril 14 sa Mandalay Bay Hotel sa Las Vegas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?