137
buboy-pacman
By

Pacquiao ‘solb’ kay Buboy

Sharing is caring!

Walang pagsisisi si Manny Pacquiao sa pagtapik sa kababata at matalik na kaibigang si Restituto ‘Buboy’ Fernandez upang maging chief trainer sa July 15 encounter niya kay WBA 147-pound kingpin Lucas Matthysse.

Kuwento ng 39-anyos na eight-division world champion, nakuha na nito ang estilo ng longtime trainer na si American Freddie Roach.

“Buboy adapted the style of Freddie Roach and he knows what to do for this training so I am confident with Buboy,” sey ni Pacquiao pagkatapos ng ensayo nito sa Elorde Gym nitong Sabado.

Bagama’t aminadong ikukunsidera na niya ang pagreretiro kung matatalo sa 35-anyos na knockout artist mula Argentina, sinabi pa rin ni Pacquiao na gagawin niya ang lahat sa training upang maging handa sa fight night sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“A young Manny Pacquiao throwing a lot of punches, and more footwork, head movements, side by side — that’s my goal to achieve for this fight,” deklara ni Pacquiao.

Ayon naman sa strenth and conditioning coach nitong si Justine Fortune, ang tanging paraan lamang para matalo ni Matthysse si Pacquiao ay kung gagayahin nito ang ‘dirty tactics’ ni Jeff Horn, na inagawan ng WBO welterweight belt ang Pinoy sa laban nila noong Hulyo 2017 sa Brisbane, Australia.

“If I was fighting Manny I’d try to do exactly the same thing Jeff Horn did. Rough him up and put Manny on the ropes. But we’re planning for that,” sey ni Fortune.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?