49
manny-pacman-pacquiao
Dec 13, 2017 @ 15:18

Pacquiao, siniguro ang buong suporta sa PSC

Siniguro ni Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao ang buong suporta nito sa Philippine Sports Commission (PSC) bilang chairman ng Senate Committe on Sports.

Sinabi nito sa isang pulong balitaan sa PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup, isusulong niya ang dagdag na pondo para sa ahensiya sa taong 2019.

Dagdag pa ng senador, kakalap siya ng suporta para pondohan ang rehabilitasyon ng PSC at konstruksiyon ng mga pasilidad nito, ayon sa SunStar.

Nakita nito ang mga luma nang pasilidad ng PSC nang maglibot sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila kasama sina PSC Chairman William Ramirez at PSC Commissioners Mon Fernandez, Celia Kiram at Charles Raymond Maxey.

Binisita rin umano ng senador ang PSC Sports Museum kung saan nagbigay siya ng dalawang may pirma niyang poster at memorabilia.

Samantala, nakatakdang buksan ang PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup sa General Santos City sa Mindanao sa Disyembre 16 na ang mananalo ay may premyong pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?