By

Pacquiao: ‘Sincere’ si Mocha, puwedeng maging senador

Sharing is caring!

Kuwalipikado si Communications Assistant Secretary Mocha Uson na kumandidato sa pagka-senador dahil totoong gusto nitong maglingkod sa sambayanan, ayon kay Senador Manny Pacquiao.

Mahalaga aniya para sa mga gustong humawak ng posisyon sa gobyerno ang “sinseridad” at pagiging totoong tao.

“Sa tingin ko, kung buong puso, taos-puso mag-serbisyo makakatulong namin. Ang Importante kasi totoo, hindi iyong plastic,” sabi ni Pacquiao.

“Ang importante malaman iyong sinseridad ng tao. Yung totoo na magserbisyo para sa tao dahil kahit sikat ka na tao o kahit malakas ka, eh kung intensyon mo iba, walang silbi,” dagdag nito.

Iginiit din ni Paquiao na huwag husgahan si Uson na mayroon naman aniyang pinag-aralan.

“I cannot judge. Hindi ako puwedeng manghusga ng isang tao. Matalino naman ‘yan. May pinag-aralan iyong tao, huwag natin siyang i-judge at gusto niyang magserbiyso sa bayan,” sabi ni Pacquiao.

Samantala, inirekomenda ni Pacquiao na ibilang si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa senatorial line-up ng PDP laban.

“Si General Bato, puwedeng magserbisyo. Nakita naman natin ang sinseridad to serve. Nandiyan iyong totoong puso niya,” sabi ni Pacquiao.

Ayon naman kay Senate President Koko Pimentel, pangulo ng PDP-Laban, pag-aaralan nila ang lahat ng imumungkahi na makasama sa kanilang senatorial line-up gaya nina Uson at Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Pero wala siyang masasabi ukol kay dela Rosa dahil hindi ito myembro ng PDP-Laban. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?