61

Sep 14, 2021 @ 16:45
By

Pacquiao sarap na sarap sa pagkakamay

Bata man o matanda, talaga nga namang lahat ay sarap na sarap sa pagkain kapag nagkakamay.

Hindi ka Pilipino kung hindi mo pa naranasan na magkamay kaya naman marami ang humanga nang maispatan si Senador Manny Pacquiao na hindi pa rin nalimutan ang pagkakamay kahit bilyonaryo na ito.

Ibinahagi ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram ang litrato ng pambansang kamao habang nagkakamay.

Ani Korina, dalawang takal ng kanin at isda ang naubos ni Pacman at inisnab ang ulam na manok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?