22

Nov 10, 2021 @ 16:26
By

Pacquiao sa paggamit faceshield: DILG at Malacañang parang hindi nag-uusap

Pinuna ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao ang magkasalungat na pahayag na nagmumula sa mga opisyal ng gobyerno sa patakaran ng mandatoryong paggamit ng face shield.

“I hope the Inter-Agency Task Force will issue a formal announcement on this issue as we have been getting two views from two different entities. Parang hindi sila nag-uusap kung ano talaga ang dapat gawin,” saad nito.

Ang kalituhan sa paggamit ng face shield ay nag-umpisa matapos sabihin ng Malacañang na “null and void” ang executive order na inilabas ni Manila Mayor Isko Moreno na nag-aalis ng face shield requirement sa mga pampublikong lugar.

Ngunit sinabi ni Secretary Eduardo Año, ang mga local executive order na hindi mandatory ang paggamit ng mga face shield ay maaaring ipatupad at hindi “null and void” gaya ng sinabi ng Palasyo.

“We’re getting mixed signals from the government, with the presidential spokesman saying that local ordinances removing the face shield requirement are ‘null and void’ while the DILG says the contrary,” sabi ni Pacquiao

Ikinalungkot ng Senador na kahit ang mga matataas na opisyal ng gobyerno ay hindi magkita ng mata sa mata pagdating sa mga patakarang may kinalaman sa pandemya.

“Napakalaking palaisipan sa akin talaga kung bakit ipinipilit nila itong face shield. Alam naman natin na kalokohan lang yan at pinagkakakitaan lang pero di naman talaga nakakatulong,” ani Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?