15

Sep 26, 2020 @ 12:53
By

Pacquiao retiro na pagtapos ng sapakan kay McGregor?

Posible nga kayang huling laban na ni Manny Pacquiao ang nilulutong megabout sa pagitan nila ni UFC superstar Conor McGregor.

Sa pahayag ng special assistant ni PacMan na si Jayke Joson, sinabi kasi nito na naghahanda na ang dalawa para sa ‘one epic last boxing fight’.

Lahad pa sa pahayag na ginawa ito ng ‘Pambansang Kamao’ para makatulong na madagdagan ang pondo sa pagresponde sa COVID-19 pandemic.

Kung sakali mang huling laban na ito ni Pacquiao, wala na siyang kailangang patunayan pa bilang natatanging boksingero na nag-world champion sa iba’t ibang dibisyon.

Siya lang din naman ang nagparetiro sa mga heavy hitters tulad nina Oscar De La Hoya, Ricky Hatton at Adrien Broner.

Bukod pa dito, 41-anyos na ang boxing legend at abala na rin sa ibang larangan tulad ng pagiging senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?