19

Aug 3, 2021 @ 12:31
By

Pacquiao posibleng patulan si Jake Paul

Hindi itinanggi ni People’s Champ at Senador Manny Pacquiao ang posibilidad na labanan niya kahit ang sikat na YouTuber na si Jake Paul.

Sa panayam sa kanya ng Australian vlogger na si Supercar Blondie, binigyan ng vlogger ng pagkakataon ang ilang netizen na magbato ng tanong sa pambansang kamao, kung saan isa na nga rito ang katanungan kung papayag ba si Pacquiao na makalaban si Paul.

“It depends,” sagot ng dating eight-division world champion.

“It depends on the venue and [h]ow we will negotiate. [I]t’s possible,” dagdag pa nito.

Matatandaang sa isang panayam ay sinabi rin ni Pacquiao na kahit pa dehado siya sa parating na laban kontra kay Errol Spence, mas pinili niya itong harapin dahil nais niyang kalabanin ang magagaling.

“I’m not like other boxers who fight only for the money. They will challenge non-boxers just for the money,” wika noon ni Pacman sa programang Power and Play ni Noli Eala. “As for me, I want a real fight. I fight to challenge the best.”

Tila pasaring pa nga kay Floyd Mayweather Jr. ang pahayag na ito ni Pacquiao dahil puro exhibition match na lamang ang laban ni Mayweather, kung saan ang huli ay hinarap niya ang kapatid ni Jake na si Logan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?