189

Apr 30, 2021 @ 22:31
By

Pacquiao pinalalayas mga barko ng China

Sumulat na raw si Senador Manny Pacquiao sa Chinese Embassy para manawagan sa China na alisin na ang mga barkong pandigma at pangisda nito sa West Philippine Sea (WPS).

Sabi ni Pacquiao, ipinadala niya ang sulat bago pa lumagda sa isang resolusyon ang 11 senador na nagkokondena sa presensiya ng mga Chinese vessel sa exclusive economic zone.

Binunyag ito ni Pacquiao matapos hindi siya pumirma sa naturang resolusyon na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“Hindi naman na-media ‘yung sulat ko sa Chinese Ambassador dahil personal letter ko ‘yun. Two weeks after, Senator Drilon passed a resolution of the same nature which I did not sign because I already had a letter pending before the Chinese Ambassador here,” lahad ni Pacquiao.

Mababasa sa sulat ng senador ang pag-demand niya sa China na respetuhin ang soberanya ng Pilipinas at alisin na ang mga barko nito sa teritoryo ng bansa.

“The continuing presence of Chinese ships at the said reef, which is within the Philippines’ exclusive economic zone and continental shelf, only creates tension and harbors divisiveness in our region and evidently destabilizing to the international rule of law,” nakasaad sa sulat ni Pacquiao.

“In line with this, we reiterate our call to your government to promptly withdraw these vessels from our territory. We demand nothing less than for your country to respect our sovereignty,” dagdag doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?