67

Dec 3, 2020 @ 9:12
By

Pacquiao pangulo na ng PDP-Laban

Nanumpa na si Senador Manny Pacquiao bilang bagong pangulo ng partido ni Presidente Rodrigo Duterte, ang PDP-Laban.

Pinalitan ng dating boksingero si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, na siya na ngayong executive vice chairman ng partido.

Naganap ang oathtaking ceremony kagabi, kung kailan din nanumpa si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive president ng nasabing political party.

“Senator Koko Pimentel has passed on the practical day-to-day leadership of the Party to one with new, ‘modern’ ideas and one who has the time, energy, and boldness to prepare the Party for the 2022 national and local elections,” ani PDP-Laban executive director Ron Munsayac sa isang Viber message.

“Senator Koko Pimentel is now Executive Vice Chairman of the Party and will work very closely with our Chairman President Duterte, National President Sen. Manny Pacquiao, and Executive Vice Presidential Speaker Lord Velasco,” dagdag niya.

Isa ang ngalan ng Pambansang Kamao sa mga pinalulutang na pangalan ng mga posibleng tumakbo sa 2022 presidential elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?